Home OPINION 14 BOTO KAKAMBAL NG ATRAS-KASO VS VP SARA

14 BOTO KAKAMBAL NG ATRAS-KASO VS VP SARA

1
0

ANG daming lumilitaw na kaisipan kung bakit biglaang iniatras ng prosekusyon ang dalawang kaso o article of impeachment na nakumpleto na nilang pinalitis sa impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang grave threats at misuse of confidential funds ang mga kasong na iniatras nila, kasama ang bribery, at itinira na lamang nila ang Article 2 para sa “hindi maipaliwanag o tagong yaman” ni VP Sara.

Ayon sa iba, patunay itong mahihina talaga at pawang paninira lang ang lahat ng kaso kay VP Sara.

Para naman sa iba, pinagastos lang ang Senado ng prosekusyon ng nasa P1 bilyon na galing sa buwis ng bayan.

Para sa depensa, isang mistrial o sobrang mali na paglilitis ang naganap dahil hindi binigyan si VP Sara ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa ilalim ng prinsipyo ng due process at patas na pagdinig laban sa labis-labis na paninira sa kanya.

Pero paano kung ang tunay na dahilan ay ang pagmamadali nilang madeklara si VP Sara na guilty at gagamitin ng mga senator-judge ang pinaliit ng mayorya ng Senado na bilang ng boto para maghatol ng guilty?

Mula sa 16 boto batay sa lahat ng 24 miyembro ng Senado, ginawa lang ng mayorya na 14 batay sa aktibong nakikilahok sa paglilitis.

Sasamantalahin nila ang kawalan hanggang ngayon nina Sen. Dante Marcoleta, Jinggoy Estrada, Loren Legarda at Ronald dela Rosa.

Mapabibilis ang paglilitis dahil hindi na magpiprisinta sina Atty. Sheila Sison ng kanilang mga ebidensya sa tatlong sinibak na kaso at kakaunti na lang ang kailangan para sa kasong “hindi maipaliwanag o tagong yaman.”

Dahil madaling matapos ang presentasyon ng ebidensya ng depensa, mapapadali ang araw ng paghuhukom at sasamantalahin ng mga kontra-VP Sara ang 14 boto para ideklara siyang guilty.

Hindi na nila hihintayin pa ang desisyon ng Supreme Court sa petisyon nina Sen. Bong Go, Robin Padilla at iba pa na kumukwestyon sa konstitusyonalidad ng 14 boto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here