PAMPANGA – Arestado ang tatlong (3) drug suspek at masamsam ang ilang pakete ng suspected shabu, habang tuluyang winasak ng mga awtoridad ang pugad umano ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Tabun, Mabalacat City.
Kinilala ng PDEA ang naarestong target na suspek at drug den operator na si alyas “Yan-yan”, 29 anyos at mga kasabwat nitong sina alyas ” Kris, 27 at Ron, 35 anyos”, na pawangga residente sa naturang lugar.
Nadakip ang mga suspek matapos maaktuhang magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa PDEA Undercover agent.
Nasamsam sa mga suspek ilang pakete ng suspected shabu na standard drug price na higit P47,000, drug paraphernalia, cellphone na gamit sa pakipagtransaksiyon at ang marked money na ginamit sa buybust.
Nasa kustodiya na nang PDEA ang mga naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)