Home METRO Senglot na lolo nahulog sa Ilog, humabol sa Undas

Senglot na lolo nahulog sa Ilog, humabol sa Undas

3
0

QUEZON — Patay ang isang 71-anyos na mangingisda matapos umanong mahulog sa ilog mula sa Aloneros Bridge sa Barangay Cabugwang, Tagkawayan, Quezon nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 1.

Kinilala ang biktima sa alyas “Efren,” may-asawa at residente ng naturang barangay.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Tagkawayan Municipal Police Station, nagsosolong naglalakad pauwi ang biktima bandang alas-6:30 ng gabi nang aksidente umano itong mahulog mula sa tulay.

Hinihinala ng mga awtoridad na nakainom ng alak ang biktima bago ang insidente.

Makalipas ang halos dalawang oras, natagpuan ng mga residente ang biktima na wala nang buhay.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang buong pangyayari sa insidente. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here