Home NATIONWIDE Mahigit 8,700 pasyente naasikaso ng PH Red Cross sa Undas 2026

Mahigit 8,700 pasyente naasikaso ng PH Red Cross sa Undas 2026

3
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa 8,721 pasyente sa buong bansa ang naasikaso ng Philippine Red Cross (PRC) mula Oktubre 29 hanggang alas-9 ng umaga nitong Lunes, Nobyembre 2, kasabay ng paggunita ng Undas 2026.

Ayon sa PRC, lahat ng naasikasong pasyente ay sumailalim sa vital signs monitoring.

Sa kabuuang bilang, 359 ang naitalang minor cases habang 19 naman ang itinuring na major cases.

Kabilang sa mga minor case ang pagkahilo, pananakit ng ulo, sugat, gasgas, kagat ng insekto, hirap sa paghinga, sprain, paso, hypertension, lagnat at mga pinsalang dulot ng motorcycle crash.

Samantala, kabilang sa major cases ang chest pain, seizure, suspected stroke, cardiac arrest, heat stroke at hirap sa paghinga.

Siyam na pasyente naman ang isinugod sa ospital dahil sa mga kondisyong gaya ng stroke, panghihina ng katawan, pagkawala ng malay at hypoglycemia.

Nakapagbigay rin ang PRC ng 297 welfare assistance services kabilang ang psychological first aid, referrals, tracing services at pamamahagi ng hot meals at food packs.

Nakapagbigay din ng wheelchair assistance sa 25 indibidwal, tubig sa 149 katao at iba pang information at education materials.

Para sa Undas operations, nag-deploy ang PRC ng 1,977 personnel sa buong bansa, kabilang ang 132 staff at 1,845 volunteers.

Kabilang din sa kanilang deployed assets ang 73 ambulansya, 404 first aid stations, 131 welfare desks, 45 foot patrols at 32 mobile units.

Pinakamaraming deployment points ang nasa mga sementeryo, na umabot sa 349 lugar sa buong bansa.

Nakatakdang magpatuloy ang PRC Undas Operation 2026 hanggang Nobyembre 3. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here