Home NATIONWIDE Fingerprint ni Joseph Sy, tumugma sa records ng Chinese national

Fingerprint ni Joseph Sy, tumugma sa records ng Chinese national

3
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na magkatugma ang fingerprints ng negosyanteng si Joseph Sy at ng Chinese national na si Chen Zhong Zhen, na ayon sa ahensya ay iisang tao lamang.

Ayon kay BI Deputy Commissioner Atty. Joel Alejandro Nacnac, nagtugma ang fingerprint records na hawak ng BI at National Bureau of Investigation (NBI) matapos magsagawa ng cross-checking ang dalawang ahensya.

Dumalo rin sa pagdinig si NBI Director Atty. Melvin Matibag. Hinimok niya ang mas mabilis na pagkilos ng pamahalaan laban sa mga dayuhang umano’y nakakuha ng Filipino citizenship sa pamamagitan ng pekeng dokumento. Iminungkahi rin niya ang pagkansela sa mga kuwestiyonableng birth certificate at iba pang dokumento kahit nakabinbin pa sa korte ang mga kaso, gayundin ang posibleng pagkumpiska sa mga ari-ariang nakuha sa pamamagitan ng ilegal na pagkakakilanlan.

Sa naturang pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinangunahan ni Sen. Risa Hontiveros nitong Huwebes, Nobyembre 5, hindi nakadalo si Sy matapos dalhin sa emergency room ng Makati Medical Center. Ayon sa kanyang abogado na si Alma Mallonga, nais sana ng negosyante na dumalo ngunit hindi ito nakayanan dahil sa kanyang kalagayan. Inatasan naman ni Hontiveros ang kampo ni Sy na magsumite ng medical certificate.

Si Sy, chairman ng Global Ferronickel Holdings Inc., ay nahaharap sa mga alegasyon kaugnay ng umano’y paggamit ng pekeng dokumento upang makakuha ng Filipino citizenship. Noong 2025, inaresto siya ng BI matapos matuklasang tumutugma ang kanyang fingerprints sa records ni Chen Zhong Zhen, isang Chinese national. RNT/MDS/larawan kuha ni Cesar Morales

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here