Home NATIONWIDE Amihan, inaasahang hihina; easterlies, iiral

Amihan, inaasahang hihina; easterlies, iiral

1
0

MANILA, Philippines – Inaasahang hihina na sa Sabado ang northeast monsoon o amihan, habang magpapatuloy naman ang epekto ng easterlies sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin De la Cruz-Galicia, pansamantalang hindi mararamdaman ang amihan sa malaking bahagi ng bansa.

“Bukas inaasahang tuluyang hihina ang amihan at panasamantalang hindi muna ito mararamdaman sa malaking bahagi ng bansa,” ani De la Cruz-Galicia.

“Ngunit in the next two to three days ay inaasahang easterlies ang magiging dominanteng weather system sa ating bansa,” dagdag niya.

Dahil dito, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, na may posibilidad ng thunderstorms sa hapon at gabi.

Inaasahan naman ang pag-ulan sa Camarines Norte, Albay, Sorsogon at Catanduanes dahil sa easterlies.

Makakaranas din ng maulang panahon ang Eastern Visayas, Caraga, Davao Region at Soccsksargen.

Sa natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao, pangkalahatang magiging maganda ang panahon, bagama’t may posibilidad ng pag-ulan dahil sa isolated thunderstorms.

Wala namang inaasahang bagyo o low pressure area na papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here