Home NATIONWIDE Peligrosong damang-init, mararamdaman sa Palawan

Peligrosong damang-init, mararamdaman sa Palawan

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa Cuyo, Palawan sa Lunes, Nobyembre 23, habang inaasahang makararanas din ng delikadong init ang Coron, ayon sa PAGASA.

Batay sa forecast ng PAGASA, maaaring umabot sa 43°C ang heat index sa Cuyo at 42°C naman sa Coron.

Kapwa pasok ang mga ito sa danger level na 42°C hanggang 51°C, kung saan tumataas ang panganib ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke dahil sa matagal na pagkabilad sa init.

Nakapagtala na rin ang Cuyo ng 42°C heat index nitong Linggo, Nobyembre 22.

Ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang temperatura ng hangin at humidity o halumigmig.

Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na umiwas sa matagal na pagbibilad sa araw, limitahan ang mga aktibidad sa labas at gumamit ng payong o sombrero.

Pinayuhan din ang mga residente na uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration at iba pang sakit na dulot ng matinding init. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here