Home METRO Pag-alis ng lahar deposits sa La Castellana, sisimulan sa Disyembre 1

Pag-alis ng lahar deposits sa La Castellana, sisimulan sa Disyembre 1

3
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Sisimulan sa Martes, Disyembre 1, ang paghuhukay at paghakot ng mga naipong lahar sa Ibid Creek sa Barangay Biaknabato, La Castellana, Negros Occidental.

Ayon kay Provincial Environment and Management Office (PEMO) head Julie Ann Bedrio nitong Biyernes, Nobyembre 27, walong pribadong hauler ang mag-aalis ng kabuuang 41,060 cubic meters ng volcanic debris, mula sa tinatayang 67,530 cubic meters na lahar deposits sa lugar.

Sinabi ni Bedrio na nagkakahalaga ng P100.10 kada cubic meter ang Permit to Transport (PTT) para sa mga mahahakot na materyal. Inaasahang aabot sa P4.11 milyon ang kabuuang bayarin mula sa walong hauler.

Sa kabuuang koleksiyon, 10 porsiyento ang mapupunta sa Protected Area Management Board – Mount Kanlaon Natural Park, habang 90 porsiyento naman ang ilalaan sa pamahalaang panlalawigan.

Pinal na rin ng PEMO ang iskedyul ng paghakot. Kailangang bayaran muna ng mga hauler ang kanilang PTT sa Provincial Treasurer’s Office bago magsimula ang operasyon.

Naglagay na rin ng mga boundary marker upang malinaw na matukoy ang lugar na lilinisin. Magpapakalat naman ng mga backhoe mula sa Provincial Engineer’s Office upang magkarga ng mga volcanic debris sa mga trak ng pribadong hauler. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here