Home OPINION ABALOS DUMIKIT NA SA SENATORIAL WINNERS’ CIRCLE

ABALOS DUMIKIT NA SA SENATORIAL WINNERS’ CIRCLE

0
ABALOS DUMIKIT NA SA SENATORIAL WINNERS’ CIRCLE

ILANG araw bago pa sumapit ang 2025 midterm elections, pumalo na sa survey ang kandidatura ni dating Inerior Secretary Benhur Abalos Jr.

Sa madaling salita, umangat sa survey si Abalos na mula sa 17 porsyentong naniniwala sa kanyang kakayahan noong Marso ay tumaas sa 24 porsyento nitong buwan ng Mayo.

Nagsagawa ng survey ang OCTA noong Abril 20-24 at lumabas na pirmis ang ranking ni Abalos.

Subalit nang iendorso ang dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government nina dating Vice President Leni Robrerdo at television and movie entertainer Vice Ganda ay biglang sumirit pataas ang kanyang ranking.

Kung dati- rati ay lumalaro sa 19-20 ang kanyang standing sa senatorial slate, ngayon ay halos dikit na siya sa “Magic 12”.

Marami ang nagtiwala kay Abalos dahil sabi nga ni Robrero na matagal na niyang kaibigan si Abalos simula pa lang noong maging alkalde ito ng Mandaluyong, nagsilbing chairman ng Metro Manila Development Authority, at kalihim ng DILG.

Sinabi pa ni Robredo, ngayong tumatakbo si Abalos bilang senador, kailangang tulungan siya ng mga bicolano sapagkat noon pa man ay tinulungan na sila ni Abalos lalo na noong typhoon Kristine.

Sa social media, nagpost naman ai Vice Ganda ng larawan ni Abalas na may caption na “Kesa naman yung mga walang kwenta ang pumasok sa.Top 12, dito na ako.

Bukod kina Vice at Leni, pinalakas din ang kampanya ni Abalos ng endorsement nina former senate president Franklin Drillon, League of Municipalities of the Philippines, Union of Local Authorities of the Philippines, Mayors League of the Philippines, Vice Mayors League of the Philippines at mga barangay captains.

Kapag nanalong muli bilang senador, isusulong ni Abalos ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law at ibabalik sa National Food Authority ang kontrol hindi lang sa direktang pagbili ng palay sa mga magsasaka kundi maging pagbebenta ng bigas sa merkado.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here