Home OPINION ABBY ‘MUCH BETTER’ MATALO SA SENADO KAYSA MANALO SI ‘ATE’ SA MAKATI

ABBY ‘MUCH BETTER’ MATALO SA SENADO KAYSA MANALO SI ‘ATE’ SA MAKATI

0
ABBY ‘MUCH BETTER’ MATALO SA SENADO KAYSA MANALO SI ‘ATE’ SA MAKATI

TILA mas gusto pa ni Makati Mayor Abby Binay na hindi manalo bilang senador kaysa manalo ang ate niyang si Senadora Nancy Binay laban sa kanyang kabiyak na si Atty. Luis Campos sa mayoralty race sa Makati City.

Kung iisipin, hindi ba dapat parehas ang kanyang pagtingin sa kanyang asawa at kapatid na kapwa kandidato na papalit sa kanyang pwesto?

Tingnan ninyo. Sa campaign rally ng Team United na pinamumunuan ni mayoralty bet Campos, inihayag ni Abby “Much Better” Binay na “okay lang na hindi siya iboto bilang senador basta ang mamamayan ng Makati ay ‘vote straight’ sa Team United.”

Ang ate ni Abby na si Sen. Nancy ay mayoralty candidate din ngunit sa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA, ang partidong itinayo ng ama nilang si ex-Vice President Jejomar Binay.

Sabi ni Much Better Binay, “Andito ako para magbigay-suporta sa Team United. Sasabihin ko ito, kahit huwag nyo na akong iboto o ikampanya sa Senado, iboto nyo na lang straight ‘yung Team United. Ganito po ka-importante sa akin ang Team United.”

‘Pag pulitika na ang usapan, hindi umuubra ang kasabihang “blood is thicker than water” na nagaganap kahit saan, hindi lang sa Makati City.

Ito namang ate na si Sen. Nancy, cool lang din sa pagsasabing magkapatid pa rin silang dalawa.

Giit ng ate, “Hindi ko kalaban ang kapatid ko. Walang Abby Binay sa balota, so hindi kami magkaaway,” kasabay nang pagbibigay ng kasiguruhan na tutulungan niya ang kapatid na unang beses sasabak sa halalan para senador.

Ayon kay Abby, “bonus” lang ang kanyang pagtakbo sa Senado dahil hindi naman niya ikamamatay kung matalo siya…at pinakamahalaga sa kanya na magiging Mayor si Campos na mister niya kaysa ang kanyang Ate Nancy.

Sa kabilang banda, sakaling manalo naman si Abby na senador, much better in a position umano siya na makipag-away” para sa 10 barangay ng EMBO na ibinigay na ng Supreme Court sa Taguig City.

Ayos ba, mga brad?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here