Home OPINION PAKAPALAN NG APOG

PAKAPALAN NG APOG

0
PAKAPALAN NG APOG

KUNG noo’y ikinukubli pa sa dilim ng gabi, ngayo’y lantaran at pakapalan na ng apog ang nagaganap na bilihan ng boto sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang malalakas ang loob na kandidato ay yung kabig ng puno sa Kapitolyo ng Malolos at ang “manok” niyang kandidato sa pagkabise-alkalde ng SJDM.

Matinding humakot ng botante ang mga kampon ng taga-Kapitolyo at ng naghahangad maging bise-alkalde.

Nagpatawag ng pulong sa taumbayan, paghahanda raw sa halalang Mayo 12. Bawat dumalo sa pulong, binibigyan ng claim stub- na pinapalitan ng polyeto at P300.

Ang katawa-tawa nito, parang abuloy sa patay ang perang ipinamudmod – sa San Fernando Funeral at Dojo Studio sa Quirino Highway, Barangay Tungkong Mangga — ang piniling lugar ng bigayan. Matindi ang funeral sense of humor ng magkasabwat na kandidato, pati na ang isinasagupa nilang partylist.

Sa Ebenezer Christian Academy sa Brgy. Sto Cristo naman, tinipon ang mga hinakot para raw sa ‘coordonation (opo, coordination) meeting’ ng kampo ni Daniel R. Fernando- garapalang vote buying pa rin ang nangyari.

Kumalat na sa social media at ilang online news platform ang mga larawan at video na nakunan sa ginawang “hiwaga” ng sabwatang taga-Kapitolyo at SJDM vice mayor candidate.

Pumalag ang mga tumanggap ng “biyaya” kapalit ng kanilang boto. Masyado nga naman na mura lang. Pero tila dedma lang ang Commission on Elections, hindi na inatasan ang kanilang mga tauhan para tiyakin ang kabulastugan sa Bulacan.

Malawak po kasi ang lalawigan- at mahigit ngang 2 milyon ang rehistradong botante batay sa talaan ng Comelec nitong 2022. Sa bilihan ng boto, kailangang P6 milyon ang maihanda.

Malakas yata ang kapit sa Comelec ng mga politikong taga-Bulacan. Sa halip na maging ‘watchdog’ sa mga hindi kanais-nais na diskarte sa kampanyang panghalalan, payag nang maging inutil na lang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here