MANILA, Philippines – “Pagtulungan po nating may mahalal na abogado sa Senado para sa kalidad na mga batas at may paninindigan sa maseselan at importanteng isyu ng pamamahala sa ating Inang Bayan.”
Ito ang mensahe ni Senate Majority Leader reelectionist Senator Francis TOL Tolentino, isang topnotch lawyer at dating local chief executive ng Tagaytay City, bilang guest speaker sa ginaganap na Philippine Councilors League Northern Samar Meeting sa Lunsod ng Parañaque.
Magugunitang nanindigan si TOL Tolentino, isang bihasang abogado, sa pagsusulong ng sama-samang pag-uusap ng Pilipinas, China at iba pang mga bansa hinggil sa maselang issue sa West Philippine Sea, na taliwas sa pustura ng kinaaanibang partidong pulitikal na PDP.
“Wala po tumindig don kundi si Senator Tolentino .Sabi ko nga it’s not enough to talk to China in a bilateral basis. It’s a matter of talking to China like talking to other nations, multilateralism. Inadopt naman ng ating good President. We talked to China, Japan, New Zealand, and the United States. Yun po dahilan kaya kumalas ako sa PDP (dating kinaaanibang partido ni TOL na taliwas sa kanyang pananaw at paninindigan). Inayunan naman ako ni Pangulo”, ani reelectionist Senator TOL Tolentino.
Sinabi rin ni Tolentino na dapat magkaroon ng hiwalay na West Philippine Sea Command na mangangalaga sa acting West Philippine Sea, sa acting exclusive economic zone.
Merong north Luzon Command, Merong South Luzon Command na sa pagpapatrulya hanggang duon lang sila sa boundary ng jurisdiction nila, dapat Yung kahabaan na sakop ng ating EZZ ay pwedeng patrulyahan ng isang command lang. Yun yung West Philippine Sea Command.
“Wala naman idadagdag ang pamahalaan na budget sa kanila , kundi power over our EZZ. An Admiral needs to lead the west command,” sabi ni TOL.
Binigyang diin ni Tolentino ang kahalagahan ng pagiging abogado ng isang senador.
Ibinigay na halimbawa ni TOL sina dating Senate President Jovy Salonga, mga dating Senador Wigberto Tañada at Jose W. Diokno na nagpaningning sa Senado sa pag-uugit ng mga batas at mga tunay na “Statesmen”.
“Hindi ko po sinasabi ng gaya ko sila, kundi mga Huwaran po natin sa mas matitino at makabuluhang batas na magtataguyod at mag-aangat sa ating bansa,” sabi ni TOL na siya mismong gumagawa at bumabalangkas ng mga panukalang batas niya sa Senado na hindi iniaasa sa staff niya. RNT