Home NATIONWIDE Absolute divorce bill, pasado na sa Kamara

Absolute divorce bill, pasado na sa Kamara

MANILA, Philippines – Sa botong 126 pabor, 109 tutol at 20 abstentions, pasado na sa ikatlong at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 9349 o ang pagpapairal ng absolute divorce bilang alternatibong paraan para mapawalang bisa ang wala nang pag-asa na pagsasama at kasal ng isang mag-asawa.

Ayon kay Albay Rep Edcel Lagman, pangunahing may akda ng panukala, ang pagsusulong ng absolute divorce ay para na rin sa kapakanan ng mga anak, aniya, naglalayon itong iligtas ang mga kabataan sa sakit, stress at paghihirap dulot ng mga problema ng kanilang mga magulang dahil sa hindi pagkakasundo at pag-aaway.

Sa ilalim ng panukala, pahihintulutan ang mga may problemang mag-asawa na makapaghain ng ‘petition for absolute divorce sa mga sumusunod na kadahilanan: 1) legal separation sa ilalim ng Article 55 ng Family Code of the Philippines. 2) annulment of marriage sa ilalim ng Article 45 ng Family Code at 3) tuluyang paghihiwalay ng mag asawa na may 5 taon nang hindi nagsasama bago naihan ang petition for absolute divorce at wala nang pagkakataon na makapagayos 4) psychological incapacity sa ilalim ng Article 36 bg Family Code 5) irreconcilable differences; at 6) domestic o marital abuse kasama dito ang nakapaloob sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Sinabi ni Lagman na ang divorce ay hindi maituturing na “worst outcome” para sa isang pamilya.

“The enduring years of physical violence, emotional abuse, infidelity, and subjecting children to a hostile home environment, along with witnessing daily discord and constant conflict, are far more damaging than the option of divorce,” pagtatapos pa ni Lagman. Gail Mendoza