MANILA, Philippines – Binatikos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. nitong Lunes, Enero 8 ang ginawa ng ilang vlogger na nagpakalat umano ng impormasyon laban sa kanya at kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. na nangunguna umano sa destabilization plots laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“It hurts me that there are some people who, for the sake of gaining popularity through their vlogs, would sow disinformation. No less than my face, the face of the CSAFP (Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines) posted and went viral, saying the AFP and the PNP withdrawing support or asking for the resignation of the President. It’s unforgivable,” sinabi ni Acorda kasabay ng flag-raising ceremonies sa Camp Crame sa Quezon City.
Aniya, tapak at nakababastos ito sa pagsisikap ng uniformed personnel upang mapanatili ang kaligtasan ng bansa.
“We try to promote investments and tourism pero dahil lang sa mga ito, sa pansarili nagki-create na hindi magandang imahe sa ating bayan,” ayon kay Acorda.
Sa kabila ng disinformation sa ilang social media platforms, hinimok ni Acorda ang lahat ng miyembro ng PNP na magtulong-tulong na panatilihin ang pagpapatupad ng batas at Konstitusyon, maging ang pag-depensa sa pamahalaan.
Nanawagan din si Acorda sa mga vlogger na huwag maglabas ng mga masasakit na salita laban sa ibang tao para lamang makakuha ng viewers. RNT/JGC