Home NATIONWIDE PBBM may mensahe sa mga deboto ng Nazareno

PBBM may mensahe sa mga deboto ng Nazareno

MANILA, Philippines – NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mananampalatayang Katoliko na magdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Hinikayat niya ang mga mamamayang Filipino na tuklasin ang kanilang “inner strength” at “sense of hope” at layunin sa pamamagitan ng naturang okasyon.

“Beyond the extraordinary expressions of reverence that we see on display during this event, the festivities show us the love and sacrifice of Jesus Christ who willingly offered Himself to make us whole once more,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang maikling mensahe.

Ayon sa Pangulo, ang Kapistahan ng Itim na Nazareno ay kahanga-hangang pagdiriwang ng walang hanggang awa ng Poong Maykapal at walang hanggang pagmamahal na ipinagkaloob sa lahat.

Hinikayat din ng Chief Executive ang mga mananampalataya na alalahanin ang kahalagahan na tanggapin ang pagdurusa sa panahon ng kahirapan at hayaan na sumailalim ito sa “renewal at spiritual transformation.”

“By working through our struggles and difficulties, we discover our inner strength and resolve, emerging from the pits of darkness and despair with a renewed sense of hope and purpose,” ayon sa Pangulo.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga mananampalataya na mas laliman pa ang koneksyon sa Diyos o sa Poong Maykapal at maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa at pagdamay para sa mga Filipino at bansa.

“With our faith guiding our every word and deed, I am certain that we will build a brighter future for our nation and create a world where love, kindness, and harmony reign supreme,” ang naging pahayag ng Punong Ehekutibo.

At sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ang wish ng Pangulo sa lahat ay “a solemn and meaningful commemoration.” Kris Jose

Previous articlePlanong SRP ng bigas dapat makatwiran, ‘di dapat sobrang baba – grupo
Next articleAcorda sa destab allegations vs PNP, AFP: It’s unforgivable