Home ENTERTAINMENT Ina ng anak ni Diego, pinalayas, lumantad!

Ina ng anak ni Diego, pinalayas, lumantad!

Manila, Philippines – Mukhang palaban din ang ina ng lovechild ni Diego Loyzaga.

Sa wakas kasi ay lumantad na ito via her Instagram Stories.

Nakakalungkot nga lang ang ibinahagi ni Alexis Suapengco.

Ito ang pangalan ng babaeng with whom Diego fathers his daughter he named Hailey.

Isang yoga instructor at model si Alexis.

Matatandaang June last year nang kumpirmahin mismo ni Diego na isa na siyang ganap na ama.

Pero bantulot ang Viva actor na ibahagi ang pagkakakilanlan sa ina ng bata.

All that he said ay hindi raw siya naniniwala sa kasal, base na rin sa nangyari sa kanyang mga magulang.

Diego is the son of Cesar Montano with Teresa Loyzaga.

Back to Alexis, tila she was forced to come out in the open matapos umano silang palayasing mag-ina ni Diego sa bahay.

Ani Alexis, may ibang babaeng iuuwi raw si Diego sa kanilang tinitirhan.

Isang nagngangalang Cecille Mendoza ang babae who Diego wanted to bring home.

Bukod sa pagpapalayas sa kanila ng anak na si Hailey ay nagbanta pa raw si Diego na ititigil nito ang sustento sa bata kung hindi buburahin ni Alexis ang mga ipinost niya sa Instagram.

Isang kaswal na: “Ok boy, bye!” lang ang tugon ni Alexis sa bantang ‘yon ni Diego as in the actor’s threat doesn’t bother her at all.

Bukas ang Remate Online para sa panig ni Diego. Ronnie Carrasco III