Home NATIONWIDE Affidavit ni Guteza ‘no value’ kung ‘di manunumpa – Ombudsman

Affidavit ni Guteza ‘no value’ kung ‘di manunumpa – Ombudsman

322
0

MANILA, Philippines – Hindi gagamitin ng Office of the Ombudsman ang affidavit ng ‘surprise witness’ an si Orly GUteza maliban na lang kung personal siyang humarap sa nasabing tanggapan at manumpa.

Sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na titignan ng Office of the Ombudsman ang iba pang indibidwal bukod kay Guteza para mangalap ng ebidensya laban kay Leyte Rep. at dating Speaker Martin Romualdez at nagbitiw na si Ako Bicol Rep. Zaldy Co kaugnay sa umano’y pagkakaugnay nila sa flood control mess.

Kung maaalala, iginiit ni Guteza na siya mismo ang naghatid ng mga maleta ng pera sa mga tirahan ng Romualdez at Co.

Siya ay ipinakilala sa isang flood control hearing noong Setyembre 25 ni Senator Rodante Marcoleta.

Pero itinanggi ni Atty. Petchie Rose Espera, ang abogado na nakalagay sa notaryo ng affidavit ni Guteza na ang pirma, document number, page number at book number ay wala sa kanilang notorial records.

Sinabi ni Espera na ang mga dokumentong iniharap ni Guteza sa Senate Blue Ribbon Committee ay walang layuning pambatas at walang halaga sa imbestigasyon sa mga maanomalyang proyekto sa flood control. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here