Home NATIONWIDE AFP: Mga sundalo ‘di maaaring magbitiw sa pamamagitan ng socmed

AFP: Mga sundalo ‘di maaaring magbitiw sa pamamagitan ng socmed

MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sakaling may makitang mga post sa social media na may isang sundalo na nagbitiw sa serbisyo militar para ipahayag ang pakikiisa sa naarestong dating Pangulong Rodrigo Duterte, huwag agad maniniwala sa mga ito.

Bunsod nito, sinabi ng AFP nitong Martes, Marso 18, habang minamaliit nito ang mga social media post na nagsasabing may ilang tropa na ang tumigil matapos arestuhin ang dating lider, na nagsasabing ang pagbibitiw ng tropa ay isang pormal na proseso na hindi lamang maaaring gawin sa pamamagitan ng social media.

“Ang aming pagbibitiw ay mahigpit na isang pormal na proseso. Hindi ka maaaring mag resign sa pamamagitan ng social media. Hindi mo pwedeng ipost doon na magreresign ka na. Kahit sa mga corporate organizations, sa tingin ko hindi iyan ang tamang forum para gawin ito,” pahayag ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa mga reporters sa isang press briefing.

Nauna rito, mula nang arestuhin si Duterte noong nakaraang Marso 11, ang internet ay napuno ng mga post sa social media kung saan isang pulis na kinilalang si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas ang naghayag ng pagsuporta sa dating Pangulo.

Nahaharap siya ngayon sa kasong inciting to sedition kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 na inihain ng Quezon City Police District (QCPD).

Kaugnay nito, sinabi ni Fontillas na ipinapahayag lamang niya ang kanyang paninindigan at prinsipyo. “Nasaan na ang karapatan natin ngayon sa kalayaan sa pamamahayag? Kawawa naman ang Pilipinas (Philippines is awaful),” wika niya.

Sa panig nito, sinabi ng AFP na hindi nila sinusubaybayan ang sinumang tauhan na nagbitiw sa serbisyo kasunod ng pag-aresto kay Duterte.

“Wala pang ulat na nagbitiw ang mga tauhan ng AFP. Hindi rin kami maaaring magsampa ng kaso laban sa sinuman dahil wala kaming sinusubaybayan na nagpo-post sa social media,” sabi ni Padilla.

Kaugnay nito, naniniwala si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea (WPS), na may ilang interes sa loob at labas ng bansa. Santi Celario