MANILA, Philippines- Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang overseas Filipinos na mag-enroll sa website para sa overseas absentee voting sa darating na midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kapag hindi dumaan sa enrollment ay hindi pa rin makaboboto ang overseas Filipinos online.
Paliwanag ng Comelec, dito kukunin ang biometrics ng overseas Filipinos at kailangan lamang nilang magsumite ng kopya ng kanilang government issued ID tulad ng seaman’s book, pasaporte at iba pa.
Tiwala naman si Garcia na hindi mababawasan ang mga boboto sa ilalim ng OAV dahil sa mas “convenient “ang online voting na magagawa sa loob ng sariling tirahan
Ang enrollment ay simula ngayong Marso 20 hanggang Mayo 7. Jocelyn Tabangcura-Domenden