Home NATIONWIDE AFP nakakuha ng 25 kahon ng gamot kontra leptospirosis

AFP nakakuha ng 25 kahon ng gamot kontra leptospirosis

141
0

MANILA, Philippines — Nakakuha ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 25 kahon ng doxycycline hydrochloride (Doxicon 100 mg capsules) na magsisilbing proteksyon ng mga sundalo laban sa leptospirosis habang patuloy silang tumutulong sa mga relief at rescue operations matapos ang pananalasa ng mga bagyo.

Ayon sa AFP, ang mga gamot ay donasyon mula sa FPJ Panday Bayanihan Party-list sa pakikipagtulungan ng Jackpharma Inc., na ibinigay nitong Martes kasunod ng courtesy call nina Rep. Brian Poe at Jackpharma director Jacko Hernandez kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr.

Layon ng donasyon na maprotektahan ang mga sundalo, reservist, at mga first responder na madalas malantad sa kontaminadong tubig at iba pang panganib sa mga binahang lugar.

Ang doxycycline hydrochloride ay isang uri ng antibiotic na ginagamit sa paggamot ng iba’t ibang bacterial infections tulad ng sa balat, mata, at urinary tract, at ginagamit din bilang proteksyon laban sa malaria.

“Ang AFP ay nagpapasalamat sa FPJ Panday Bayanihan, kay Rep. Brian Poe — isang Army Reservist na may ranggong Lieutenant Colonel — at sa Jackpharma Inc. sa kanilang napapanahong tulong sa aming disaster response operations,” ayon sa pahayag ng militar.

Dagdag pa ng AFP, mananatili itong nakatuon sa mga gawaing humanitarian at disaster response, katuwang ang iba’t ibang sektor upang mailigtas ang buhay at matulungan ang mga pamilyang nasalanta. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here