Home NATIONWIDE AFP nangako, ‘moves as one’ vs banta sa nat’l security

AFP nangako, ‘moves as one’ vs banta sa nat’l security

MANILA, Philippines – Nangako ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng “move as one” sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglaban sa mga banta sa kapayapaan at national security, kasabay ng pagsisiguro na ang militar ay nananatiling loyal sa Konstitusyon.

Sa pahayag nitong Huwebes, Enero 4, sinabi ni AFP chief, Gen. Romeo Brawner Jr. na nagpapatuloy ang military sa pagiging modelo ng “highest standards” ng professionalism.

“With the strong leadership of our Commander-in-Chief, the AFP will move as one in defeating all threats to our peace and national security,” ani Brawner sa “emerging challenges of 2024.”

Naninindigan din ang AFP sa “unwavering loyalty to the Constitution and its solemn commitment to fulfill its mandate.”

“The men and women of the AFP remain steadfast in their role as the guardians of our nation’s sovereignty and defender of democratic principles,” ayon kay Brawner.

Tumanggi namang magkomento si AFP spokesperson Col. Medel Aguilar, nang linawin ang pahayag ni Brawner. RNT/JGC

Previous article2 senior execs umalis sa DA kasunod ng balasahan
Next article2 tulak nabingwit sa Navotas buy bust