Home NATIONWIDE Afternoon work, classes sa Tacloban sa Miyerkules Santo, suspendido

Afternoon work, classes sa Tacloban sa Miyerkules Santo, suspendido

MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Tacloban ang pasok sa pampublikong opisina at mga paaralan sa lungsod sa Marso 27, Miyerkules Santo, para magbigay-daan sa mga residente na makapaghanda sa Semana Santa.

Inilabas ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez nitong Lunes, marso 25 ang Executive Order No. 2024-03-13 na sinususpinde ang pasok sa lahat ng antas sa paaralan at trabaho sa government offices sa lungsod sa Marso 27 mula alas-12 ng tanghali.

“The city government of Tacloban recognizes the significance of preparing for Holy Week, and as such, it is essential that all constituents of the city be given ample time to prepare,” sinabi ni Romualdez sa kanyang direktiba.

Ang suspensyon naman sa pasok sa mga pribadong opisina at kompanya sa lungsod sa March 27 ay nakadepende na sa pamunuan.

Hindi naman kasali sa suspensyon ang mga nagtatrabaho sa pananatili ng kapayapaan, kaayusan, emergency responders, health, traffic, at disaster management. RNT/JGC

Previous articleTotoong dahilan ng no-show ni Jodi sa bday ni Mr. M, ibinunyag!
Next articleLalaki arestado sa panggugulo at marijuana sa BGC