Home ENTERTAINMENT Totoong dahilan ng no-show ni Jodi sa bday ni Mr. M, ibinunyag!

Totoong dahilan ng no-show ni Jodi sa bday ni Mr. M, ibinunyag!

Manila, Philippines – Kay Ogie Diaz mismo nanggaling from his source na binawi ng mga nag-organisa ng surprise birthday party para kay Mr. Johnny Manahan ang imbitasyon ng mga ito kay Jodi Sta. Maria.

May bagong development na sa isyung ito, at mismong si Ogie rin ang naghatid ng balita sa kanilang online program.

Quoting his source, Ogie sort of recanted his earlier item.

Ayon kasi sa kanyang source, “disinvited” daw si Jodi, meaning, naimbitahan na sa 100 Night of Stars nitong March 16 pero kinansela lang ng mga organizers.

Those in charge of the surprise event in honor of Mr. M had to take back Jodi’s invite dahil sisipot din doon si Claudine Barretto.

Kumbaga, iniwas lang ng mga organizers na magkita sa naturang event ang mga babae sa buhay ni Raymart Santiago.

Hindi raw pala ‘yon ang totoo, ayon sa source who even sent Ogie a letter to debunk the latter’s report.

Ang totoo pala’y dinapuan ng virus si Jodi!

Hindi nga lang malinaw if Jodi was hit by Covid.

Supposedly, kasama rin daw si Jodi sa dinner with Bea Alonzo and John Lloyd Cruz that same night pero hindi na nga pumuwede due to the virus.

Sa katunayan daw, Jodi already had a dress prepared for the occasion.

Nasabi na ni Claudine na clueless siya sa ‘di pagsipot ni Jodi sa event.

At the same time, Claudine washed her hands off sa mga nag-lisip na may kinalaman siya sa nangyari.

Bakit hindi kaya si Jodi mismo ang maglinaw sa isyu?

That is, if she thinks that her version of the story would matter. Ronnie Carrasco III

Previous articleOgie, may ‘pantasya’ sa paglipat ng Showtime sa GMA!
Next articleAfternoon work, classes sa Tacloban sa Miyerkules Santo, suspendido