Home ENTERTAINMENT Ogie, may ‘pantasya’ sa paglipat ng Showtime sa GMA!

Ogie, may ‘pantasya’ sa paglipat ng Showtime sa GMA!

Manila, Philippines – May “pantasya” si Ogie Alcasid na gusto niyang maisakatuparan.

Ang tinutukoy ng singer-songwriter ay reunion nilang mga dating hosts ng SOP (Sobrang OK Pare) na umere noon sa GMA.

The Sunday show lasted for 13 years.

It was the equivalent of ABS-CBN’S ASAP Natin ‘To.

Nabanggit ito ni Ogie ngayong opisyal na ang paglipat ng It’s Showtime sa GMA.

Galing ang nasabing noontime show sa GTV, GMA’s sister station.

Bahagi si Ogie ng SOP until he left GMA in 2013.

Nag-trip down memory lane nga si Ogie who wishes to reunite with his former co-hosts.

Kabilang sa mga dating SOP hosts ay sina Jolina Magdangal, Jaya, Janno Gibbs at Regine Velasquez.

Kasama rin nila noon si Gary Valenciano.

Pag-amin ni Ogie, sino raw ang mag-aakalang muling babalikan ang pinanggalingang istasyon: “Only God knew!”

Bukod kay Ogie na dating Kapuso ay taga-GMA rin dati ang Showtime co-host niyang si Karylle.

Karylle played one of the Sang’gres in GMA’s fantaserye Encantadia.

Pagtapak daw muli ni Karylle sa GMA sa contract signing kamakailan between the two networks, feeling daw niya’y homecoming ‘yon.

Samantala, may ilan sa mga taga-GMA ang medyo hindi kumportable sa paglipat ng Showtime sa naturang istasyon.

Lumalabas daw kasi na kulang sa tiwala ang pamunuan ng GMA na may kakayahan ang creative nito na lumaban nang pukpukan sa mga katapat na noontime show: ang Eat Bulaga ng TV5 at Showtime sa GTV before its transfer. Ronnie Carrasco III

Previous articleMeralco spox Joe Zaldarriaga nanumpa bilang bagong miyembro ng CAMI
Next articleTotoong dahilan ng no-show ni Jodi sa bday ni Mr. M, ibinunyag!