Manila, Philippines – Sa wakas, makaraan ng 25 taon ay ibinaon na nina Ai Ai de las Alas at Rosanna Roces ang ‘ika nga’y palakol.
Maituturing na sa kasaysayan, ang ‘di pagkakasundo ng dating malapit na magkakaibigan ay isa sa mga pinakamahabang showbiz feuds.
Nangyari ang pagbabati nina Ai Ai at Osang nang magkita sa taping ng My Bespren Emman.
Bagama’t parehong nasa cast ng nasabing TV5 serye ang dalawa ay hindi sila nagkikita nang personal.
Ani Ai Ai sa PEP, pinuntahan daw siya ni Osang sa kanyang tent.
Ai Ai and Osang became close in GMA 7’s 1 For 3 sitcom na iponrodyus ni Vic Sotto, who was also in the cast.
Umere ito mula April 1997 hanggang June 2001.
However, their friendship took a bitter turn dahil umano sa paratang ni Osang kay Ai Ai.
Sa TV5 series ngayon, si Osang dapat ang gaganap bilang kapatid ni Ai Ai: “Pero masyado siyang nestiza kaya kay Carmi Martin napunta ang role.”
Once inside the tent, nagyakapan lang daw ang dalawa at nagtsikahan tungkol sa kanilang buhay bilang mga ina.
Pati lovelife nila’y naging topic din nila.
Ani Ai Ai: “Tawanan lang kami nang tawanan! Na-miss ko siya, sa totoo lang. Simula nang pumasok siya sa tent hanggang lumabas siya, tawa lang kami nang tawa!”
As far as Osang is concerned, sobrang saya daw ang pinagsamahan nila noon ng Comedy Queen.
Na-realize ni Osang na totoo ang kasabihang “Time heals all wounds.”
She’s looking forward to doing shows with Ai Ai again. Ronnie Carrasco III