Home ENTERTAINMENT Kasal ni Ellen kay Derek, malapit nang ma-annul!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kasal ni Ellen kay Derek, malapit nang ma-annul!July 8, 2026 19:2210 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Makahulugan ang resbak post ni Ellen Adarna sa isang netizen tungkol sa nalalapit niyang civil status.Hindi kasi nagustuhan ng netizen ang pagpapaka-fangirl ni Ellen kay Jerry Yan ng F4.”’Di ba, may asawa ka pa?” seryosong pagpatol ng netizen.“….gurl, you need to heal…don’t get lost any further, nakadalawang panganay ka na!”‘Di ba naman, napaka-self-righteous ng dating?Still, pinag-aksayahan siya ni Ellen ng panahon.Hirit niya: “‘Di mo alam kung anong feeling ng isang fangirl!..”Hindi dito nagtapos ang pagpatol ni Ellen as her next line was even more telling.“Ma-unmarried na rin ako in time, wait ka lang. Tigilan mo na. Gamit na gamit na si Jesus sa mga taong tulad mo. Pangit mo ka-bonding!”Teka, nag-conclude tuloy ang mga netizens sa tinuran ni Ellen.Kung magiging unmarried na siya in time, ibig sabihi’y malapit nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Derek Ramsay.Will Ellen soon be back to being single?Eh, ano naman kaya ang “take” dito ni Derek?Isn’t it strange he’s the last to know?Ano daw ba ‘to…gulatan nang bonggang-bongga? Ronnie Carrasco III