Manila, Philippines – Looking forward si Comedy Queen AiAi delas Alas sa 2025.
Bagaman may magandang pangyayari sa buhay niya sa 2024, inaasahan niya na mas bongga ang susunod na taon para sa kanya.
Pahayag ni AiAi, “Ay! Lahat ng hula sa akin ay bonggang-bongga. Looking forwarf ako sa 2025 and I think nagsimula na. Kaya super super suepr excited ako.
“Saka, ngayong 20224 is still a good year for me kasi marami pa rin akong show sa Amerika. I think nagkataon lang ‘yun (hiwalayan with her hubby na si Gerald Sibayan). So, I’m still thankful.”
Nagpapasalamat pa rin daw siya kasi maraming blessing ang dumating sa kanya.
“And nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga maliliit na bagay sa buhay natin like buhay ako, wala akong diperensya, wala akong sakit, it is a blessing from above,” diin ni AiAi.
Nakausap namin si Ai Ai sa launch ng VBank ni Manong Chavit Singsonna ginanap sa Bridgetowne Destination Estate during the Blackout Festival.
May plano si Ai Ai na gumawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival next year.
“Kasi 35th annivetsary ko din sa showbusiness. Kaya maganda ang 2025 sa akin. And I think yung concert and movie and yung narinig nyo na sinabi ni Manong Chavit, kung ano yung sinabi niya, tinutupad nya.
“Kaya kasama ako sa movie ng GMA,” excited na sabi ni AiAi.
Nagpauna naman si AiAi sa amin na umattend sa launch ng VBank ni Manong Chavit na walang personal questions sa kanya.
“Pag tungkol kasi sa love, ayoko munang magsalita kasi nasa ano pa ako, recovering stage. Super self care. I love myself very much,” seryosong litanya ni Ai Ai.
As part of her self care, super dance, gym, pray, sleep, at read daw ang ginagawa niya.
“Nagri-read ako ng books. Kindle, tama?
“Oo, nakakatulong ang mga giangawa ko na ‘yan. And yung mga hindi ko ginagawa dati gagawin ko like travel abroad. Punta alo Bangkok, etcetera.”
Samantala, during the mediacon ng VBank ay sinabi ni Manong Chavit na si Ai Ai ang kanyang paboritng inaanak sa kasal.
Nasabi rin ni Manong Chavit na isasama rin niya si Ai Ai sa gagawin niyang Korean movie sa bansa next year.
Isa na dyan ang Korean drama seties na “Vagabond” ni Lee Seung Gi.
“I’m so happy na isa ako sa ambassadress ng VBank. God is good and maraming blessings na dumating. I hope hanggang next year.
“Sabi nga ni Ninong, kasali ako sa mga movies ng mga Korean ano, kaya I’m super excited. Alam mo kung bakit?
“Idol ko yun, si Vagabond. Si Lee Seung Gi. Di ba ano yun, putol yun. Dapat 21 plus yung episodes na yung palabas. Pero putol. So, parang excited ako nung sinabi ni Manong (Chavit) na dito ipagpapatuloy yung palabas.”
Paano nga ba siya naging paboritong inaanak sa kasal ni Manong Chavit?
“Oo, kasi parati ko siyang ano, yung bubly daw kasi ako. ‘Ninong!’ Yung ganyan.
‘How are you?’ Kunwari nanalo si ano, ‘Nanalo si Pacman. Pengeng pera,'” kwento ni Ai Ai.
Sa naganap na groundbreaking na hakbang para baguhin ang financial inclusion sa bansa, opisyal na inilunsad ni Singson ang VBank app.
Nangangako ang makabagong digital banking platform na maghahatid ng maginhawa at secure na mga serbisyong pinansyal sa mga Pilipino sa buong bansa, na nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbibigay kapangyarihan sa mga komunidad na kulang sa serbisyo.
“Hindi lang ito tungkol sa pagbabangko, ito ay tungkol sa pagbibigay sa bawat Pilipino ng mga kasangkapan para makilahok sa ating ekonomiya,” paliwanag ni Manong Chavit. Julie Bonifacio