MANILA, Philippines – Patuloy na uulanin ang iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa apat na weather system.
Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, CALABARZON, at Aurora ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Samantala, ang Northeast Monsoon o Amihan ay magdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang mararanasan sa Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Ang Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Albay, Sorsogon, Masbate, at Palawan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa Intertropical Convergence Zone.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated rain showers o thunderstorm ang iiral sa nalalabing bahagi ng Mindanao.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms. RNT/JGC