Home METRO Aircon nag-overheat, 180 pamilya nawalan ng tirahan sa Cebu

Aircon nag-overheat, 180 pamilya nawalan ng tirahan sa Cebu

CEBU CITY – Halos 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa mataong lugar sa Barangay Sambag 2 dito noong Lunes ng hapon, Abril 8.

Base sa inisyal na ulat ng awtoridad na posibleng nag-overheat na aircon ang naging dahilan ng sunog.

Sapul ng sunog ang tatlong sitio kabilang ang Kalubihan, Grupa, at Riverside, na nagsimula bago mag-4 p.m. at tumupok sa 88 bahay.

Iniulat ng Public Information Office na 177 pamilya o 651 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa sunog.

Ang inisyal na pinsala sa ari-arian ay naital ng Cebu City Fire Office sa P7.5 milyon.

Mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay.

Itinaas sa ikaapat na alarma alas-5:01 ng hapon. Nakontrol ang sunog alas-7:22 ng gabi. at nagdeklara ng fire out dakong 10:16 p.m.

Wala namang naiulat na nasawi sa sunog. RNT