Home METRO DPWH employee pisak sa backhoe!

DPWH employee pisak sa backhoe!

CATANAUAN, Quezon – Patay ang isang 33-anyos na operator ng heavy equipment matapos madaganan sa Barangay Tagabas Ibaba dito noong Lunes ng umaga, Abril 8.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arjay Pondiveda, empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Quezon 3rd Engineering District Office (DEO) at residente ng Barangay 10 dito.

Ayon sa imbestigasyon, nadurog ang ulo ng biktima at namatay on the spot matapos na buhatin ni Arvin Dural, isang backhoe operator, ang dump box ng isang dump truck gamit ang backhoe na aayusin ng biktima.

Sa kasamaang palad, ang hydraulic hose ng backhoe ay biglang nag-malfunction at sumabog na naging sanhi ng pagkahulog ng kagamitan sa likod ng dump truck.

Sugatan naman sa insidente si Maximo de la Cruz, 62, welder at residente ng Barangay Dahican dito.

Nahaharap naman si Dural sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injury kasunod ng insidente. RNT