Home METRO Akala’y isda, shabu pala inilalako; 2 vendor arestado

Akala’y isda, shabu pala inilalako; 2 vendor arestado

229
0

NATAPOS din ang matagal nang pagpapanggap ng dalawang tindero umano ng isda nang mahuli ang mga ito sa bitag makaraang mabistong shabu pala ang kanilang inilalako sa Mal;abon City.

Sa mahigit isang linggong pagmamanman ng mga kagawad ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon-PNP, nabisto ang ilegal na aktibidad nina Allan Almario, 42, ng 1st St. Brgy. TaƱong at Michael Bonan, 43, ng Camia St. Brgy Maysilo matapos makarating sa kinauukulan ang impormasyon na hindi isda ang inilalako ng mga ito at sa halip ay iligal na drog pala.

Nang makumpirma ang totoong pinagkakakitaan ng dalawang fish vendor, isinagawa ang buy-bust operation kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer.

Alas-4:00 ng madaling araw nang arestuhin ang dalawa nang tanggapin ang P500 marked money mula sa nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium size na sachet na naglalaman ng shabu.

Nakumpiska sa dalawa ang humigit-kumulang sa 21.4 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P145,520.00,marked money na ginamit sa drug operation .

Matapos nito, isinailalim sa drug test ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa Custodial Facility ng Malabon Police Station habang inihahanda na ang pagpi-prisinta sa kanila sa piskalya para sa kasong paglabag sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga. Merly Iral

Previous article3 sugatan sa nasunog na industrial building sa Valenzuela
Next articleMister itinumba habang nagmamaneho

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here