Home METRO Alamin: Mga daang isasara sa Commonwealth Ave sa Mar. 15-16

Alamin: Mga daang isasara sa Commonwealth Ave sa Mar. 15-16

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pansamantalang pagsasara ng Commonwealth Avenue East Bound Lane mula University Avenue hanggang Tandang Sora Avenue mula Marso 15, 2025, alas-10 ng gabi hanggang Marso 16, alas-4 ng umaga.

Ito ay para sa pag-install ng steel structure ng footbridge na konektado sa MRT-7 Tandang Sora Station.

Pinapayuhan ang publiko na gumamit ng alternatibong ruta sa panahong ito.

Humingi ng paumanhin ang DOTr sa abalang dulot nito at hiniling ang kooperasyon ng lahat para sa mas pinahusay na pampublikong transportasyon.

Ang MRT-7 ay magkakaroon ng 14 na istasyon at inaasahang magbubukas ang partial operations mula North Avenue Station hanggang Quirino Station sa huling bahagi ng 2025.

Kapag ganap nang gumagana, bababa sa 35 minuto ang biyahe mula Quezon City patungong San Jose Del Monte, Bulacan. Santi Celario