MANILA, Philippines – “PALAWAN ay Pilipinas, hindi Tsina!”
Ito ang sigaw ng isang bagong kilusan na kinabibilangan iba’t-ibang grupo ng makabayang Pilipino nang magsagawa sila ng protesta sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati upang tahasang tutulan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan.
Nagtipon-tipon ang mga Pilipino na nasa ilalim ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement) sa harap ng embahada upang ilahad ang lantarang pambubully sa karapatan ng Pilipinas at paglapastangan sa bawat mamamayang Pilipino.
Sa pamumuno ni Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, first nominee ng ANG BUMBERO NG PILIPINAS (ABP) party list ang ginawa nilang protesta ay pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa bayan at makabayang pagtindig laban sa agresibong pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
“Dapat nang wakasan ang kalokohang ito. Hindi namin papayagan na agawin ang aming mga teritoryo at mga karapatan sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas alinsunod sa United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) at maging sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong Hulyo 12, 2016 na walang basehan ang historical rights na iginigiit ng Tsina,” pahayag ni Goitia.
Hinikayat din ni Goitia na panahon na upang tumindig at magkaisa ang mga Piipino dahil ito ay usapin ng bansa at pag-agaw ng ating sariling lupa at teritoryo.
“Ito at lantarang pagyurak at pag-alipusta sa ating mga Pilipino. Ang pagbaluktot sa katotohanan ay hindi makatuwiran,” ayon pa kay Goitia.
Sa panayam kay Goitia, na Chairman Emeritus din ng koalisyon at iba pang malalaking grupo na kinabibilangan ng Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER), the Alliance of Filipino Kabalikat sa Demokrasya (ABKD) at Liga ng Independencia ng Pilipinas (LIPI) at Kalipunan ng Masang Pilipinoay (KAMPIL), nagpahayag na masusundan pa ng ibat-ibang pagkilos ang naunang protesta kung hindi kikilalanin at irerespeto ng Tsina ang international marital laws. RNT