Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga isasarang kalsada, rerouting sa Makati sa Semana Santa

ALAMIN: Mga isasarang kalsada, rerouting sa Makati sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Makati City Public Safety Department ang traffic rerouting at road closure plan sa Barangay Poblacion para sa Semana Santa, o mula Abril 13 hanggang 20, 2025.

Inaabisuhan ang mga motorista na magplano ng kani-kanilang ruta dahil ang ilang mga kalsada sa naturang barangay ay isasara.

Road Closures (April 15, 16, and 18, from 5 p.m. to 11 p.m.)

Ang mga sumusunod na intersection sa J.P. Rizal Avenue ay isasara sa daloy ng trapiko sa peak activity hours:

J.P. Rizal corner West Cloverleaf
J.P. Rizal corner Estrella
J.P. Rizal corner JD Villena
J.P. Rizal corner Makati Avenue

Sinabi rin ng Public Safety Department na maaaring palawigin pa ang road closure sa Abril 18 para sa mga gagawing prusisyon sa Biyernes Santo.

Samantala, isasara rin ang ilang mga kalsada sa Barangay Poblacion para bigyang-daan ang konstruksyon ng mga kubol o makeshift chapel sa pagsisimula ng Semana Santa.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:

Gen. Luna St.
Enriquez St.
San Marcos St.
San Juan St.
Don Pedro St.
Guanzon St.
San Mateo St.
Agno St.
Doña Efipania St.
Ilaya St.
Albert St.
P. Gomez St. (northside and Hagdang Bato)
San Agustin St.
Quintos St.
Molina St.
Zenaida St.
Bagong Diwa St.
Ma. Aurora Ext. St.
Osmeña St.

Narito naman ang rerouting scheme para sa mga manggagaling ng Guadalupe patungong Makati City Hall, Circuit Makati, Delpan):

Light vehicles (cars, SUVs):
Via J.P. Rizal Ave. → LT Estrella St. → RT Rockwell Drive → RT Kalayaan Ave. → LT Makati Ave. → RT to either Jupiter St. or Sen. Gil J. Puyat Ave. → RT N. Garcia (Reposo) → LT back to J.P. Rizal.

Heavy vehicles (PUJs, trucks, 6 wheels and up):
Via J.P. Rizal (Guadalupe Bridge) → LT West Cloverleaf → RT EDSA southbound → RT Sen. Gil J. Puyat → RT N. Garcia (Reposo) → LT J.P. Rizal.

Narito naman para sa mga manggagaling ng Delpan patungong Guadalupe, Pateros, EDSA:

Option 1 (All vehicles):
Straight on J.P. Rizal → temporary two-way → RT N. Garcia → LT Sen. Gil J. Puyat → onward to EDSA or Buendia Flyover.

Option 2:
RT Pasong Tirad → LT Kalayaan Ave. → RT N. Garcia → LT Sen. Gil J. Puyat → onward to destination.

Mula Makati CBD patungong Mandaluyong via Makati-Mandaluyong Bridge ay ang sumusunod:

Mananatiling bukas ang northbound flow sa Makati Ave. ngunit asahan ang pagkaantala ng 30 minuto hanggang dalawang oras kapag may prusisyon:

Alternate route: Ayala Ave. → Ayala-EDSA flyover o Buendia flyover → EDSA.

Narito naman kung manggagaling ng Mandaluyong patungong Makati CBD (Southbound via Makati-Mandaluyong Bridge):

Ang southbound traffic sa Makati Ave. ay mananatiling bukas ngunit may iiral na stop-and-go flow.

Alternate route: RT J.P. Rizal → LT Zapote → LT Kamagong → RT Ayala Ave. Ext. → Cross Ayala/Sen. Gil J. Puyat intersection → Makati CBD.

Inaabisuhan ng Public Safety Department ang lahat ng mga motorista na sundin ang mga traffic sign. RNT/JGC