Manila, Philippines- Walang hindi gagawin si Alden Richards to achieve his goal in life.
Aspiring to be a pilot–bagay na pinangarap ng kanyang mismong ama–nagsimula na nga ang Kapuso actor ng kanyang flight training sa isang aviation school sa Clark, Pampanga.
Ibinahagi nga ni Alden ang litrato ng kanyang pagbisita sa Alpha Aviation Group sa Mabalacat, Pampanga.
Makikita sa larawan na nakatayo siya sa harap ng flight simulator habang nakaturo sa signage which says: “Ready for training.”
Another photo shows Alden with a man seated in front of the flight simulator.
Just last month, masayang ibinalita ni Alden na nakakuha siya ng scholarship para mag-aral ng pagpapalipad ng eroplano.
The actor, however, didn’t mention which school offered Hindi scholarship.
Hopefully raw, this year ay matapos niya ang kurso: “Para makalipad na!”
Personal na pagtupad daw ‘yon ng pangarap ng ama para sa sarili nito.
Dahil may edad na, sinabi ni Alden sa ama: “Since 58, 59 ka na, sige, ako na ang magtutuloy!”
Of late, Alden has so much on his plate.
Sinimulan na rin niyang sumabak sa marathon, and God knows what’s next.
Bukod sa showbiz, Alden is also into taking care of his business.
Kaya tuloy marami ang nagsasabing malabong magkaroon ng lovelife si Alden sa dami ng mga umaagaw ng oras niya. Ronnie Carrasco III