MANILA — Nagdesisyon si Judge Rebecca Guillen-Ubaña ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40 na mag-inhibit sa kanyang sarili mula sa kaso ng mga nawawalang sabungero, kasunod ng kahilingan ng prosekusyon.
Pinaratangan ng prosekusyon si Ubaña ng pagkiling sa mga akusado sa kaso. Gayunpaman, tinanggihan ni Ubaña ang paratang at iginiit na ito ay isang ispekulasyon ng prosekusyon na walang ligal na basehan.
Magkagayunman, pinayagan ni Ubaña ang mosyon ng prosekusyon, na nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa kanyang kakayahan upang magpatuloy sa pagdinig ng kaso.
Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Katheryn May Penaco-Rojas, nakakabahala ang desisyon ng Manila RTC Branch 40 na ibasura ang kanilang petisyon na magpalabas ng bagong warrant of arrest laban sa mga akusado. Ito ay matapos kanselahin ng Court of Appeals ang piyansa ng anim na akusado.
Sabi ni Penaco-Rojas, “The court denied the motion for the issuance of a warrant of arrest, so we have to file a motion for inhibition against the judge because the Court of Appeals already ruled that the petition for bail has to be denied. However, the Manila court issued a denial of our motion for the issuance of the warrant of arrest.” Teresa Tavares