Home ENTERTAINMENT Alex, tinawag na ‘uhog’ ang macapuno; Lucy, ba-turned off?

Alex, tinawag na ‘uhog’ ang macapuno; Lucy, ba-turned off?

Manila, Philippines- Wala talagang ka-finesse-finesse si Alex Gonzaga!

Ito ang muling nasaksihan ng mga netizens nang mapanood ang kanyang latest vlog.

Dinayo kasi ng misis ni Mikee Morada ang tahanan ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres sa Ormoc City sa Leyte.

Palibhasa bisita, winelkam naman ni Lucy si Alex who she toured around their house.

Ikinamangha ni Alex ang mga vintage furniture pieces sa loob ng tahanan nina Lucy.

Asked how the host had been able to amass them, sabi ni Lucy’y ang ibang muwebles doon ay galing sa kanyang tiyahin.

Other pieces came from Lucy’s ancestral home.

Dahil nagustuhan niya nga ang mga kasangkapang ‘yon ay umurot si Alex kay Lucy na baka naman maaari siya nitong ipakilala sa kanyang tiyahin.

Manghihingi rin daw si Alex lalo’t nagpapagawa sila ng bahay ni Mikee.

Umoo naman si Lucy, o sinakyan na lang niya ang trip ni Alex na aakalain mong hindi milyun-milyon ang kinikita sa vlogging, pero walang pambili ng lalamanin sa bahay?!

Isn’t that ridiculous?

Anyway, ang obyus na hindi kinaya ni Lucy ay ang comment ni Alex sa isinerve na macapuno sa kanya.

Nagdayalog ba naman kasi ito na parang “uhog” ‘yon?

Napatalikod na lang si Lucy sa tinuran ng kanyang bisita, obyus na-turn off ito!

As always naman ay ganyan si Alex, walang pinipiling taong kaharap makapagbitiw lang ng akala niya’y nakakaaliw na joke.

Hindi ba’t tungkulin ni Mikee na rendahan ang pagiging taklesa ng kanyang misis?

Sa totoo lang, minus points ‘yon sa political career ni Mikee sa Batangas!

Umayos ka, Alex… hindi ka na nakakatuwa! Ronnie Carrasco III