Home ENTERTAINMENT Alvin, pinagtripan ang mga pelikula’t teleserye!

Alvin, pinagtripan ang mga pelikula’t teleserye!

100
0

Manila, Philippines – Unstoppable.

Sa iisang kataga maaaring ilarawan si Alvin Aragon na ayaw talagang tumigil sa mga hanash nito sa buhay.

Kung ganoon na lang kung batikusin ng Starstruck alumnus ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community, this time around ay iba naman ang binabanatan niya.

Sa pagkakataong ito, ibinaling naman ni Alvin ang isyu sa mga intimate scenes sa mga pelikula’t teleserye.

Ang mga ito daw ang pinagmumulan ng kamunduhan at kasalanan ng tao.

Eto’t hindi lang sa social media nag-iingay si Alvin

Kinakalampag din niya ang mga mambabatas para pagtuunan ng pansin ang kanyang paniniwala–ayon sa kanyang moral perspective.

Ayon sa kanyang Facebook post: “Mr. Senators and Mrs. Senators, di ho ba dapat ding itigil ang paghaluin ang saliva ng leading lady na may asawa na at ang saliva ng leading man na may asawa na sa kanilang bed scenes?

“Ang mga teleseryes and Philippine movies ho kasi ang isa sa pinakamalaking influence sa buong bansa natin kung bakit maraming pamilyang nasisira kasi puro affairs.

At kaya maraming artistang palit nang palit ng asawa.

“Dahil sa mga bed scenes na napapanood sa national TV and Philippine movies kaya puro teenage pregnancy ang nangyayari sa bansa.

“Kaya maraming nagma-masturbate na mga lalaki dahil sa mga artistang nagpapakita ng cleavage at mga legs, lalo na ang mga bed scenes, nakakapagpainit nang sobra sa maraming Pilipinong lalaki.

“Ang art po ay hindi para dalhin ang tao na magkasala sa harapan ng Diyos.

#GodHatesSexWithoutMarriage.”

Ano naman kaya ang irarason ng mga apektado sa tinurang ito ni Alvin na sakdal-linis kung magsalita?

Teka, wala naman sigurong saltik si Alvin, ano?

Nagduda daw kami, o! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here