Home ENTERTAINMENT Cryptic posts ng ama ni Carlos Yulo, patama sa mga anak?

Cryptic posts ng ama ni Carlos Yulo, patama sa mga anak?

95
0

Manila, Philippines – Nakakaintriga ang mga cryptic posts ni Mark Andrew Yulo, ama ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ipinapalagay kasing patama ‘yon ng ama sa kanyang mga anak.

Ibinahagi ni Mark ang mga posts tungkol sa mga umano’y taong ginagawang Diyos ang pera.

”’Di ka bagay dito, doon ka bagay! Sa mga taong palara, sa mga taong nakahiga sa salapi, sa mga taong dinodiyos ang salapi, sa mga taong sinasamba ang piso, doon ka bagay!” ayon sa kanyang post.

Wala mang binabanggit na pangalan, malakas ang hinala ng mga netizen–may isyu sa pagitan ni Andrew at ang kanyang mga anak.

“Puzzle” din ang tinuran nito tungkol sa “walang kuwentang anak.”

May hanash pa ang ama na, “Sana maalala n’yo din mga sakripisyo ng mga magulang n’yo.”

May paalala si Andrew na “honor your loving parents” at magpasalamat sa Diyos.

Ipinagtataka nga ng marami kung bakit absent ang mag-asawang Andrew at Angelica sa house blessing ng mga anak na sina Karl at Eliza kamakailan.

Sa halip ay naroon ang kuya nilang si Carlos.

Sa ngayon, the Yulo couple has yet to clarify kung ano ang ibig ipakahulugan ni Andrew sa kanyang mga social media posts.

Pero hindi pa ba obyus? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here