MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag na rin ang ama ng Grade 9 student na namaril sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Department of Justice Undersecretary Ian Norman Dato na natanggap na ng Office of the City Prosecutor ng Zamboanga City ang reklamo para sa reckless imprudence resulting in homicide and physical injury.
Ang ama ng naturang estudyante ay isang customs police at nakatakdang padalhan ng subpoena.
Sa kanya umano nakarehistro ang baril na ginamit ng kanyang anak sa pamamaril sa kapwa nito estudyante.
Dalawa ang namatay sa naturang shooting incident, kabilang ang grade 9 student na gunman at isang grade 10 student na kanyang binaril. Jocelyn Tabangcura-Domenden