Home NATIONWIDE Visayas grid nasa ilalim ng yellow, red alert

Visayas grid nasa ilalim ng yellow, red alert

1
0

MANILA, Philippines – Isinailalim sa red at yellow alert ang Visayas grid ngayong Biyernes, Agosto 28.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), isasailalim ang red alert status mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Yellow alert naman ang ipatutupad mula alas-2 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, at alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

Nasa 2,307MW ang available grid capacity habang ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,402 MW.

Sinabi ng ahensya na mayroong 10 planta ang out of operation ngayong Agosto, at isa mula noong Hulyo.

Tatlo naman ang out of operation mula Hunyo, pito mula Mayo, at isa mula Marso.

Kabilang sa mga power plant na hindi gumagana ay ang tatlo sa malalaking coal power plants ng Visayas. Ito ay ang Therma Visayas Inc. 1 and 2, at KEPCO SPC Power Corporation 1. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here