Home METRO Amerikano kulong sa ninakaw na gripo

Amerikano kulong sa ninakaw na gripo

CEBU CITY – KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang Amerikano matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng gripo sa loob ng mall noong Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jeremiah Michael Stevenson, 37-anyos at tubong Los Angeles, California, at nangungupahan sa Barangay Luz, Cebu City.

Ayon kay Police Major Janelito Marquez, hepe ng Talamban police, pumasok ang suspek sa Gaisano Grand mall at nagpanggap na kustomer at kumuha ng 3 set ng gripo na nagkakahalaga ng P9,989.00.

Kwento ng security guard ng naturang mall nakita niya ang suspek naglalakad palabas ng mall at hindi man lamang ito dumaan sa cashier para bayaran ang mga kinuhang gripo.

Bago pa man tuluyang makalayo ng mall ang suspek agad itong naharang mga security guard at nadiskubre na hindi nito binayaran ang mga kinuhang gripo dahilan para dalhin ito sa nasabing himpilan ng pulisya.

Sinabi pa ng pulisya, na dati na rin nahuli ang suspek sa parehong kasong pagnanakaw.

Sa ngayon nakipag-koordinasyon na ang Talamban-PNP at posibleng maipa-deport ito./Mary Anne Sapico

Previous articlePAPA Gadon hails PBBM for his trust amid disbarment
Next article5 REMATE REPORTERS, COLUMNIST PATAY, 1 SUGATAN