Home NATIONWIDE Amores iniharap na sa korte

Amores iniharap na sa korte

MANILA, Philippines – Sinabi ng pulisya na na-inquest na si John Amores, isang manlalaro ng PBA para sa tangkang pagpatay dahil sa insidente ng pamamaril sa Laguna.

“Waiting po sa resolution,” sinabi ni Lumban police chief Police Major Bob Louis Ordiz sa isang ulat matapos humarap si Amores sa isang Sta. Cruz, Laguna court.

Bukod kay Amores, sinabi ni Ordiz na nahaharap din sa reklamo ang kapatid ng basketball player sa pagiging accessory.

Lumalabas sa imbestigasyon na tinangka ni Amores na barilin ang biktima na kinilalang si Lee Cacalda dakong alas-6:10 ng gabi. sa Barangay Maytalang Uno sa bayan ng Lumban matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa isang basketball game.

Hindi naman nagtamo ng anumang pinsala ang biktima.

Si Amores kasama ang kanyang kapatid ay sumuko sa mga awtoridad dakong alas-2 ng madaling araw noong Huwebes dahil sa umano’y pananakot. Ayon kay Amores, itinapon na niya ang baril na ginamit niya sa insidente ng pamamaril.

Sinabi naman ng PBA na “ikinalulungkot” nito ang insidente.

“This is a matter subject of investigation by the police, and we cannot comment in it. Pero nalulungkot kami sa hindi magandang pangyayari,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Noong 2022, naging kontrobersyal si Amores para sa pagsuntok sa isang manlalaro sa isang laro sa kolehiyo. RNT