Home ENTERTAINMENT Andrea, bet ang boylet na mabuhok ang kili-kili!

Andrea, bet ang boylet na mabuhok ang kili-kili!

Manila, Philippines – Sa guesting ni Andrea Brillantes sa isang vlog, inamin niya na may toxic behavior siya dati.

Siya raw kasi iyong tipo ng taong benggatibo o sa kanyang sariling pananalita ay ganitero pagdating sa pakikipagrelasyon.

Aminado siyang pag niloko raw siya ng karelasyon ay talagang gusto niyang gumanti.

Gayunpaman, na-realize raw niya na mali na magpadala sa kanyang negatibong emosyon kaya inisip na lang niya na magdasal.

Pinairal daw niya ang kung anumang kabutihan pa ang natitira sa kanyang puso na ang kapalit daw naman ay blessings para sa kanya.

Sey pa niya, turn on din daw siya sa mga lalakeng may buhok sa kilikili.

Hirit naman ng kibitzers, lumalabas na bet niya ang mabuhok na armpit ni Kyle Echarri.

Naging dream din daw niya noon na mag-asawa sa edad na 28, pero nabago na raw iyon sa ngayon.

Aniya, hindi raw siya magse-settle down hanggang hindi niya natatagpuan ang lalakeng tutugon sa kanyang bagong pamantayan.

Simula rin daw nang magkaroon siya ng boyfriend na matangkad, naging standard na rin daw niya na ang lalakeng papantasyahin ay hindi punggok kundi mas matangkad sa kanya.

Tungkol naman sa tipid tips, aminado naman siyang nagiging magastos siya kapag siya ay nalulungkot. Archie Liao