Home ENTERTAINMENT Andrea, binash ng netizen, pinatatapyas ang hita!

Andrea, binash ng netizen, pinatatapyas ang hita!

Manila, Philippines – Good thing about Andrea

Brillantes–itsurang bina-bodyshaming na siya, she simply won’t give a hoot.

Tulad na lang ng comment ng isang taklesang netizen.

May bago kasing post ang Kapamilya actress sa kanyang Instagram page.

Ifinlex niya ang kanyang casual OOTD.

Nilakipan niya ito ng caption na: “Fashion that fits your pace, inspired by crosswalks and side streets.”

As expected, may naligaw na epal na basher na Susana ang pangalan.

Nag-post ito ng comment which reads: “Pabawas mo hita mo, malaki kasi, nag-uumpugan. Maliit ka kasi, ‘di proportion!”

Despite the criticism, Andrea kept her cool.

Ipinagtanggol siya ng ilang fans.

Sey ng isa: “Itigil mo ang bunganga mo, Susana!”

Still another fan addressed Andrea’s basher: “This girl turns into a beautiful body!”

Dahil sa kanyang ‘di pagpatol kung kaya’t hinangaan ang aktres.

Oo nga naman, why dignify the basher’s comment na ang motibo naman ay mang-inis lang?

Mema as in “mema-post” lang! Ronnie Carrasco III