Home OPINION ANG PASABOG NI SEN. PING, BOW!

ANG PASABOG NI SEN. PING, BOW!

232
0

ISINIWALAT ni Senator Ping Lacson ang kaliwa’t kanang kahina-hinalang alokasyon sa 2025 national budget.

May kongresistang may P15 bilyon sa sariling alokasyon. Ilang senador ang may tig-P5 bilyon hanggang P10 bilyon.

Isang barangay ang nabigyan ng P1.9 bilyon. At isang munisipalidad na may 10,000 katao, pinaglaanan ng P10 bilyon.

Hindi ito makatuwiran. Walang malinaw na paliwanag, walang batayang teknikal. Basta ipinasok, basta inilaan.

Ang tanong: Sino ang may kontrol sa budget habang ang lahat nang ito ay pinapayagan? Lahat ay tumuturo kay House Speaker Martin Romualdez.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naging normal ang malalaking insertions sa national budget. Siya ang may kapangyarihan sa alokasyon at nagbukas ng pinto sa sistemang ginagamit ang pera ng bayan para sa pulitikang pansarili.

Mahalaga ang pagbubunyag ni Lacson ngunit dapat ding itanong kung bakit ngayon lumalabas ang mga impormasyong ito. Higit sa lahat, sino ang nakikinabang habang siya ang nasa harap ng kontrobersya.

Mukhang nagagamit si Lacson ng kampo ni Romualdez para ilihis ang sisi. Habang si Lacson mismo ang nagtuturo sa kanyang sariling bahay na Senado, nananahimik si Romualdez. Kapag may tanong sa P15 bilyon ng isang kongresista, wala siyang sagot. Pero kapag may pagkakataong idiin ang Senado, biglang may lalabas na source o “leak.”

Hindi ito simpleng bangayan sa pagitan ng Senado at Kamara. Ito ay laban ng taong-bayan kontra sa lideratong ginagawang personal ATM ang national budget.

Kung seryoso si Lacson na labanan ang pork at korapsyon, dapat niyang basahin ang buong larawan. Huwag siya magpagamit sa mga taong may mas malalalim na motibo. Hindi basta na lang itinuturo sa iba ang batikos habang ang mga tunay na responsable ay patuloy na nagtatago.

Ayusin ang sistema. Ilantad kung sino talaga ang may sala at panagutin ang mga ito. Ito’y laban ng ayan kontra katiwalian.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here