Home NATIONWIDE Animal welfare desk sa bawat barangay isinusulong ni Poe

Animal welfare desk sa bawat barangay isinusulong ni Poe

MANILA, Philippines- Isinusulong ni Senador Grace Poe ang paglikha ng animal welfare program sa bawat barangay sa buong bansa upang magkaroon ng epektibong pamamaraan laban sa pagmamalupit sa hayop.

Sinabi ni Poe na pinakamahalagang tanong kung may sapat na animal welfare program at kung may napupuntahan ang bawat komunidad, partikular sa kanayunan ,para sa de-kalidad na veterinary healthcare services

“As first responders to animals in need, it’s imperative that barangay personnel are guided by policies and have the wherewithal to act,” ayon kay Poe sa ginanap na pagdinig ng Senate Bill No. 2458 na may layuning palakasin ang Animal Welfare Act.

Ipinaliwanag ni Poe na sa pambansang antas, nakasalalay sa Bureau of Animal Industry (BAI) ang responsibilidad na tiyakin ang kagalingan ng hayop. Isang staff bureau ang BAI ng Department of Agriculture (DA).

Sa ilalim ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code, naibigay na sa pamahalaang lokal ang paghahatid ng veterinary services sa komunidad. Pero, inatasan ng Local Government Code ang lalawigan at lungsod na mayroon sariling veterinarian officer.

“Hence, there is a reported shortage of veterinary personnel in smaller municipalities. And even cities that have veterinarians have to contend with inadequate resources,” wika ni Poe.

“Ideally, the Department of Agriculture should be able to train and deputize animal welfare enforcement officers from the communities, the police for law enforcement, and members of animal welfare organizations such as those present here today, so that issues can be immediately taken cared of at the barangay level, in an effective but humane manner,” dagdag niya.

Palalakasin ng panukala ni Poe ang DA sa pagtugon sa mga isyu hinggil sa kagalingan ng hayop sa pamamagitan ng isang kawanihan na bibigyan ng sapat na badyet at permanenteng tauhan.

Layunin ng panukala na magtayo ng pamantayan patungo sa pabunga ng responsableng pagmamay-ari ng alaga kabilang ang ethical behavior at pananagutan sa lahat ng may kontrol o nag-aalaga ng hayop.

Ikinalungkot ng senador na maraming hayop ang inaabandona, pinababayaan at ginugutom hanggang mamamatay sa animal pound at nagiging biktima ng pagmamalupit sa hayop.

Samantala, pinababayaan naman ng iresponsableng may-ari ang kanilang hindi bakunadong alaga na makapaghasik ng sagabal, takot at pananakit sa komunidad.

Ayon sa report ng Mars Petcare Pet Homelessness Project, may kabuuang o13.11 milyong pusa at asong gala sa buong bansa ngayon.

“Perhaps our bill can spark a discussion whose time has come,” ani Poe.

“With the help of all stakeholders, I am sure we can come up with a law enabling the creation of a society where we can co-exist harmoniously with those beings which have provided us with much love and loyalty,” giit pa ni Poe. Ernie Reyes