Home NATIONWIDE Anti-dynasty bill hangad maipasa ni PBBM bago matapos termino

Anti-dynasty bill hangad maipasa ni PBBM bago matapos termino

1
0

MANILA, Philippines – NANANATILING committed si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maipapasa ng Kongreso ang anti-political dynasty law sa panahon ng kanyang termino.

“‘Yan pa rin ang nais ng pangulo na maipasa sa panahon niya at sa kanyang administrasyon — itong anti-political dynasty bill,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

“So hintayin na lang po natin kung papaano at hanggang kelan ito magkakaroon ng bicam, dahil sa ating pagkakaalam, ang Senado po yata ang kinakailangan pang may tapusin patungkol diyan,” aniya pa rin.

Kapansin-pansin kasi na hindi binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes.

Matatandaang, hinikayat ni Pangulong Marcos ang Kongreso na gawing prayoridad ang pagtalakay at pagpasa sa apat na panukalang batas na nagsusulong ng transpa­rency at accountability.

Ang mga panukalang batas na ito ay ang Anti-Dynasty bill; Independent People’s Commission Act; Partylist System Reform Act at Citizens Access and Disclosure Expenditures for National Accountability o CADENA Act. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here