MANILA, Philippines – Mistulang sinopla ni Senator-Judge Panfilo Lacson ang testimonya ni Nenita Constantino, dating branch manager ng Land Bank of the Philippines (LBP) Shaw Blvd., Branch sa Mandaluyong na pawang “unsual” ang multi-milyong withdrawal ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang interjection sa ginanap na ika-9 na impeachment trial, sinabi ni Lacson na dalawa lamang ang kinikilalang uri ng reportable transactions sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act (AMLA) — covered at suspicious — at walang tinutukoy na “unusual” o kakaibang transaction ang batas.
Nilinaw ito ni Lacson sa impeachment trial ni Duterte matapos ilarawan ng dating branch manager ng Land Bank of the Philippines na si Nenita Camposano bilang “unusual” ang cash withdrawal na nagkakahalaga ng P37.5 milyon mula sa account ng Department of Education (DepEd).
Ani Camposano, ang ikalawang testigo ng prosekusyon para sa Article I ng Articles of Impeachment, hindi lahat na “unusual” o “kakaibang” transaksyon ang itinuring na suspicious o na-report sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
“So wala hong (kakaiba). Suspicious lang, wala ang middle. It’s either you categorize it into covered or suspicious,” aniya.
“Wala sa batas ang unusual. Either it’s suspicious or covered transaction,” dagdag niya.
Diin ni Lacson, ang reportable transaksyon sa AMLA ay “either covered or suspicious.” Ang covered transaction ay may threshold, at maski hindi suspicious ang transaction, kailangan itong i-report kung above the threshold amount na P500,000, aniya.
Itinuro rin ni Lacson na ang mga transaksyong kinasasangkutan ng mga “covered persons,” gaya ng mga casino at mga real estate developer at broker, ay saklaw ng mga reporting requirement ng AMLA.
Dagdag pa niya, kahit ang karaniwang depositor na nagdedeposito o nagwi-withdraw ng halagang lampas sa P500,000 reporting threshold ay itinuturing na covered transaction, kahit hindi ito maituturing na suspicious. Ernie Reyes