
NAKABABAHALA na ang lantarang pagyurak sa mga batas ng
bansa na ang mismong sangkot ay mga opisyal at miyembro pa
nang itinuring nating law enforcement agency – ang Philippine
National Police.
Ang nangyayari ngayo’y kabaliktaran ng “To serve and Protect”
na slogan ng PNP kung pagbabatayan ay ang kaliwa’t kanang
insidente ng kriminalidad na ang mga salarin ay mismong mga
alagad ng batas.
Wala nang naniniwala sa “isolated case” na palaging rason ng
PNP spokeman kapag may nangyayaring krimen na ang mga
sangkot ay opisyal o personnel ng Pambansang Pulisya.
Hindi na bago ang pang-abuso ng ilang tiwaling pulis pero iba
ngayon na ang hepe ay si P/Gen. Benjamin Acorda., Jr na
makikita umanong mas tumindi ang korapsyon, dumami ang
abusadong PNP members.
Si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na dating PNP chief bago
mahalal bilang mambabatas ay naging “very vocal” na naalarma
dahil sa dumaraming ulat nang pang-aabusong involved ang mga
pulis.
Teenager pinatay ng mga pulis ng Navotas, ex-cop sa road rage
incident sa Quezon city, police chief positive sa shabu sa
sorpresang drug test at kung ano-ano pang krimen na sangkot
ay “men in uniform.”
Iilan lang ang mga ‘yan sa mga dumating sa kaalaman ni Sen.
Dela Rosa kaya nasabi ng butihing senador ‘Let’s go back to the drawing board and find out the root cause of these incidents”.
Hindi ito krimen pero malinaw na korapsyon, kaya dapat
din sigurong silipin ng mga mambabatas lalo na si Sen. Bato
ang hinggil sa Regional Contingency Fund ng Police
Regional Offices.
Worth investigating ang RCF ng PRO4-A na ibinulgar nig isang
kasamahan sa hanap-buhay kaugnay sa maanomalyang
paglustay ng isang top police official at ang kanyang bagman na
sangkot din sa multi-milion payola racket sa CALABARZON.
Anyare sa PNP, Mr. President? Sobra na, tama na! Ang tiwala ng
taumbayan sa Pambansang Pulisya ay inanod na at tinangay
nang baha mula sa Manila Bay kaya dapat ay kamay na bakal na
ang pairalin ng administrasyong Marcos kung nais na iSaayos at
maibalik ang respeto sa PNP.